Skip to main content

Nilalaman sa Iba pang mga Wika

Tagalog


Paunawa

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Tanggapan ng Kalihim ng Pananalapi (FSO) ay naglalaman lamang ng mga piling mahalagang impormasyon. Maa-akses mo ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na wikang Tsino o Pinasimpleng wikang Tsino.

Pambungad na Mensahe


CHAN Mo-po, PaulAng Hong Kong ay isang internasyonal na sentro ng pananalapi, transportasyon at kalakalan, pati na rin internasyonal na sentro ng negosyo sa Renminbi sa labas ng bansa at sentro ng pamamahala ng ari-arian. Kami ay lubos na mapagkumpitensya sa buong mundo pagdating sa mga serbisyo sa pagpopondo, negosyo at komersyo, logistik at mga propesyonal na serbisyo. Ang aming patas at bukas na kapaligiran ng negosyo, lubos na mahusay na merkado at tuntunin ng batas, ay naging puwersang nagtutulak ng masigla at aktibong sektor ng negosyo sa Hong Kong. Kami ay umaakit ng malaking bilang ng mga negosyo at mamumuhunan mula sa ibang bansa at Kalupaang Tsina na magtungo sa Hong Kong upang mag-negosyo.

Ang Hong Kong ay isang bukas at maliit na ekonomiya na nahaharap sa matinding kompetisyon mula sa buong mundo. Dapat nating lubos na gamitin ang mga natatanging benepisyo ng "isang bansa, dalawang sistema" gayundin ang ating malawak na grupo ng mga talento na may pandaigdigang pananaw, upang abutin ang napakalaking mga oportunidad na dulot ng pag-unlad ng ating bansa at upang makamit ang higit pang tagumpay sa ekonomiya para sa Hong Kong.

Bilang Kalihim ng Pananalapi, sisikapin kong mapanatili ang paborableng kapaligiran ng negosyo ng Hong Kong, upang pagsamahin ang mga pakinabang ng ating mga haliging industriya at kasabay nito upang mapalawak ang ekonomiya ng Hong Kong sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong merkado at pag-aalaga ng mga bagong industriya, upang ang mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng lipunan ay maibabahagi ang mga benepisyo ng pag-unlad ng ekonomiya, at magkakaroon ng mas maraming pagpipilian ng mga de-kalidad na trabaho para sa mga kabataan.

Ako ay magsisikap na makamit ang balanse sa pananalapi, upang ilaan ang mga pampublikong mapagkukunan sa madaling paraan para sa paglulunsad ng iba't ibang mga proyekto ng Pamahalaan, at upang magbigay ng mga serbisyong pampubliko na angkop sa mga pangangailangan ng komunidad at itaguyod ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad ng Hong Kong. Sa suplay ng lupa, pangungunahan ko ang mga kaugnay na kagawaran na magtulungan upang mabigyan ang Hong Kong ng sapat na mapagkukunan ng lupa upang matugunan ang ating mga pangangailangan para sa pag-unlad ng ekonomiya, pabahay pati na rin para sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga tao.

Maaari kang mag-iwan sa akin ng mensahe sa pamamagitan ng email o iba pang tsanel upang ipaalam sa amin ang iyong mga pananaw at saloobin sa aking tungkulin. Salamat!

CHAN Mo-po, Paul

Kalihim ng Pananalapi

Tungkulin


Kalihim ng Pananalapi

Ang pangunahing responsibilidad ng Kalihim ng Pananalapi ay tulungan ang Punong Ehekutibo sa pangangasiwa sa paggawa ng patakaran at pagpapatupad ng pinansyal, pananalapi, pang-ekonomiya, kalakalan, pag-unlad, pabahay, transportasyon, logistik, inobasyon at teknolohiya pati na rin ang mga usaping pang-industriya. Ang Kalihim ng Pananalapi ay may kontrol sa Exchange Fund sa tulong ng Awtoridad sa Pananalapi ng Hong Kong at ito ay miyembro rin ng Konsehong Tagapagpaganap.

Ang Kalihim ng Pananalapi ay siya ding namamahala sa Badyet ng Pamahalaan at responsable sa ilalim ng Ordinansa ng Pampublikong Pananalapi para sa paglalatag bawat taon ng mga pagtatantya ng kita at paggasta ng pamahalaan sa Pambansang Konseho. Binabanggit ng Kalihim ng Pananalapi sa taunang talumpati tungkol sa badyet ang pananaw at mga patakaran ng pamahalaan para sa napapanatiling pag-unlad ng ekonomiya, naglalahad ng mga panukalang badyet at inililipat ang Panukalang Batas ng Pondo, na nagbibigay ng legal na epekto sa taunang mga panukala sa paggasta sa Badyet.

Pangalawang Kalihim ng Pananalapi

Ang pangunahing responsibilidad ng Pangalawang Kalihim ng Pananalapi ay tulungan ang Kalihim ng Pananalapi sa pag-uugnay ng paggawa at pagpapatupad ng tawid-kawanihan/pang-kagawaran na mga patakaran at pangangasiwa sa polisiya ng kawanihan sa ilalim ng kanyang pamamahala. Tinutulungan din ng Pangalawang Kalihim ng Pananalapi ang Punong Ehekutibo sa paggawa ng patakaran bilang miyembro ng Konsehong Tagapagpaganap at nangangasiwa sa mga partikular na saklaw ng patakaran o proyekto ayon sa direksyon ng Punong Ehekutibo at Kalihim ng Pananalapi.

Ang Pangalawang Kalihim ng Panapalapi ay may responsibilidad sa pakikipag-ugnayan at pangangalap ng mga pananaw at pagpapaliwanag ng mga patakaran sa Konsehong Tagapagbatas, iba pang stakeholder, miyembro ng publiko at media. Bilang karagdagan, ang Pangalawang Kalihim ng Panapalapi ay awtorisado na kumatawan para sa Kalihim ng Panapalapi kapag ito ay hindi magawang gampanan ang kanyang mga tungkulin.

Photo

Talambuhay


CHAN Mo-po, Paul   Kalihim ng Pananalapi

Chan Mo-po, Paul, GBM, GBS, MH, JP

Si G. Chan ay isang Lisensiyadong Pampublikong Tagapagtuos. Siya ay dating Pangulo ng Hong Kong Institute of Certified Public Accountants.

Bago siya nagsilbi para sa Pamahalaan, humawak si G. Chan ng ilang posisyon sa pampublikong serbisyo kabilang ang pagiging miyembro ng Konsehong Tagapagbatas at Tagapangulo ng Konseho ng Serbisyo sa Ligal na Tulong.

Si G. Chan ay nagsilbi bilang Kalihim para sa Pag-unlad mula Hulyo 2012 hanggang Enero 2017. Siya ay naging Kalihim ng Pananalapi simula noong 2017.

   
     
Wong Wai-lun, Michael   Pangalawang Kalihim ng Pananalapi

Wong Wai-lun, Michael, GBS, JP

Si G. Wong ay nagsilbi sa Serbisyong Administratibo ng Pamahalaan noong 1985 at tumaas sa ranggo ng Opisyal na Tagapangasiwa, Kawaning Antas A1 noong 2017. Naglingkod siya sa iba't ibang kawanihan at kagawaran. Siya ay hinirang na Direktor ng Serbisyo sa Impormasyon noong 2009, Direktor ng Adwana noong 2014, at naging Permanenteng Kalihim para sa Pag-unlad (Pagpaplano at mga Lupa) mula 2015 hanggang 2017.

Si G. Wong ay nagsilbi bilang Kalihim para sa Pag-unlad mula Hulyo 2017 hanggang Hunyo 2022. Siya ay hinirang na Pangalawang Kalihim ng Pananalapi noong 1 Hulyo 2022.


BrandHK | 香港品牌